Homeis
Mga sikat na paghahanap
Pamilya at Mga Bata
Pagkain at Inumin
Ligal
Mga Mahalaga
Kalusugan
Lifestyle
Paglalakbay
Pananalapi
Tipping sa U.S.: Isang Gabay
Larawan ni Spencer Davis sa Unsplash

Tipping sa U.S.: Isang Gabay

Ang pagbibigay ng tip ay isang parte ng kulturang Amerikano. Para hindi ka mapahiya, dapat alalahanin ang mga sumusunod. Ang pagbibigay ng tip ay isang di-sapilitan na gantimpala na binibigay para sa mabuting serbisyo. Ngunit, sa totoo lamang, ito ay inaasahan sa maraming lugar sa buong Amerika. Kung ikaw ay hindi nakatanggap ng masamang serbisyo, DAPAT kang mag tip ng 15-20%.


Ito ang iba pang mga dapat tandaan.


Marami sa mga empleyado ang umaasa sa mga tip para sa kanilang paumumuhay. Ang sistema sa Amerika para sa tips ay ang nagibibigay ng insentibo sa empleyado na gampanan ang mataas na kalidad ng serbistyo.


Mga Restawran:


Kung ikaw ay nakaupo sa isang restawran, at may waiter o waitress na nagseserbisyo sa iyo, inaasahan na ikaw ay magbigay ng 15%-20% ng presyo ng bill (before taxes). Ang pinakamabilis na paraan para kalkulahin ang tip ay ang pagdodoble ng sales tax. Puwede mong iiwan ang tip bilang cash, o idagdag sa credit card. (Isasama ang tip sa credit card bilang hiwalay na transaksiyon, pagkatapos isumite ng restawran ang napirmahang resibo sa bangko.)


Kung kasama ka sa malaking grupo, maaaring dagdagan ng restawran ang gratuity fee. Sa kasong ito, hindi kinakailangang magbigay ng tip.


Mga Bar:


Kung ikaw ay pinaupo ng isang server, pareho ang mga patakaran. Ngunit, kung ikaw ay nag order sa bar, kailangan na magbigay ng tip sa bartender, depende sa klase ng tip na inorder mo. Kung ang beer ay naka bote, ang tip na isang dolyares kada beer ay okay sa mga regular na bar. Pero, kung ang inorder ay mas magara na cocktail, ang tip ay mga $3-$5+ kung nasa mas magara na bar, o ang bartender ay magaling o maarte ang kilos!


Iba pang nagaalok ng pagkain/inumin:


Ang mga cafe, deli at street side vendors ay naghahanap din ng tips. Ngunit, kung bumili ka nga pagkain na pre-made, o kung ikaw at mag order ng take-out o fast food, hndi kailangan magbigay ng tip. Huwag kalimutan bigyan ng ilang dolyares ang food delivery guy, lalo na kung masama ang panahon. Dapat bigyan din ng tip ang grocery loaders, $1-$5.


Mga Serbisyo:


Kung ang isang tao ay nagbigay sa iyo ng kanyang serbisyo, kailangan sila bigyan ng tip. Mga beauty salon, spa/masseus at hair salon ay kasama sa listahan na ito. Kung may discount voucher ka, tandaan na ang tip ay hahanapin sa buong halaga ng serbisyo, pero hindi gaanong kasama kung hindi mo ito ibigay. Ang serbisyo para sa mga pet ay pareho di ang halaga ng tip.


Kung nangangailangan ka ng tubero, karpintero, caterer, nanny, tagalinis ng bahay o hardin, etc. kailangan mo silang bayaran ng 15%-20% tip maliban sa siningil nila para sa kanilang gawain. Ngunit, para sa dry cleaning, hindi ito hinahanap.


Taxi:


Para sa premium na serbisyo ng taxi, malamang hanapan ka ng 10% , pero, para sa regular na taxi kailangang magbigay ng $1-$5 maliban sa siningil para sa sakay. Sundan ito para sa Uber/Lyft, pero dito, sa app ito ginagawa, kung mahusay ang serbisyo.


Hotel:


Hindi kinakailangan magbigay ng tip para sa bayad ng hotel accommodation, ngunit, kailangan mag bigay ng $5/araw sa tagalinis ng kuwarto. Sa mga bellboy, coat checker at porter, bigyan sila ng mga $1-$3 kada bag na karga nila para sa iyo. Hindi hinahanap ang tip sa AirBnB.


Paglalakbay:


Kung nag book ka ng tour, ang tour guide at driver ay maaaring maghanap ng tip. Puede mo silang bigyan ng pinagsamang tip na umaabot sa 10% ng tour value. Para sa valet o tumulong na mag park o navigate ng kotse mo, bigyan sila ng $1-$5, Sa mga airport, ang skycaps ay puedeng bigyan ng $1-$5.


Ang mga pinagbibilhan ng gas ay madalas na self-service, pero hindi sa New Jersey. Abutan ng mga $2 para sa tumulong sa iyo.


Pasko:


Habang ikaw ay namimili ng mga regalo para sa kaibigan at pamilya, huwag kaligtaan ang mga tao gaya ng doorman o super, kung mayroon nito sa iyong tirahan. Mahusay ang halaga na $100 para sa Pamasko.

Maniguro na mayroon kang maliliit na bill sa lahat ng panahon.

Halimbawa, hindi maganda na mag abot ng $100 bill para sa $1 na tip at maghanap ng sukli.


Mayroong mga serbisyo na hindi kinakailangang magabot ng tip, gaya ng para sa duktor, pharmacy, concierge, gym trainer, o empleyado ng gobyerno gaya ng MTA at pulis! Kung hindi ka sigurado, ok na magtanong sa tumulong kung tumatanggap sila ng tip!


Sa habang panahon na ikaw ay nasa Amerika, magiging second nature sa iyo ang pagbibigay ng tip! Matututo ka ring maniyak kung magkano dapat ang tip o kung ito ay kailanang ibigay. Hanggang sa susunod na pagbigay ng tip, happy tipping!


Basahin dito ang iba pang paksa:

Pinakamahusay na Kainang Pinoy

Weekend Getaways List: https://www.homeis.com/filipinos-in-usa/lists/weekend-getaways-5faa1939e185e3001243a5aa 

V
1 Nai-save