Ang pagkuha ng bakuna ngayong panahon ng trangkaso, o influenza, ay ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang sakit na ito. Maiiwasan din ang pag-bisita sa duktor dahil sa kaso ng trangkaso taon-taon.
Ang influenza ay isang nakakahawang sakit ng sistemang respiratoryo na galing sa influenza birus. Ang mga taong madaling maapektuhan nito ay ang mga bata at mga tao na mayroon nang medikal na kondisyon.
Ang mga may influenza ay nagkakaroon bigla ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, sakit sa masel, masakit na lalamunan, nasal congestion, fatigue, nausea, pagsusuka, pagtatae, at kung minsan nakakaresulta sa kamatayan. Ang karamihan na tao na may influenza ay umiigi sa loob ng dalawang linggo.
Yung mga hindi umiigi agad ay maaaring magkaroon ng komplikasyong pneumonia. Mga impeksyon sa tainga at sinus ay iba pa sa komplikasyon ng trangkaso. At ang flu birus na impeksyon ng respiratory tract ay maaaring makaresulta sa sepsis.
Ang influenza ay puwedeng mag-pagrabe ng mga sakit na talamak. Halimbawa, ang mga taong may asthma ay puwedeng magkaroon mg masamang atake ng asthma habang may flu. Dahil dito, importante na kumuka ang lahat ng flu shot, lalung-lalo na may COVID-19 pandemic ngayon.
Ang bakuna para sa flu ay nagbibigay ng antibodies sa katawan mga dalawang linggo pagkatapos magpabakuna. Ang mga antibodies na ito ay nagbibigay ng proteksyon sa impeksiyon sa pamamagitan ng mga birus na ginamit sa paggawa ng bakuna.
Maraming ang benepisyo sa pagkuha ng bakuna para sa influenza, kasama na dito ang pag-iwas sa trangkaso, pag-iwas pagpasok sa ospital, at pag-resulta sa kamatayan sa mga bata. Noong 2018-2019, naiwasan ang sakit na influenza ng mga 4.4 million na tao, naiwasan din ang bisita sa duktor ng mga 2.3 million na tao, at naiwasan ang 3.5k na kamatayan dahil sa influenza (CDC, 2020).
Huwag maghintay. Kumuha na agad ng bakuna para sa flu!