Ang credit score system sa U.S. ay isa sa mga importanteng bagay na dapat mong matutunan. Ang pagkakaroon ng mabuting credit ay kailangan sa pag-umpisa at pagkaroon ng kabuhayan sa USA. Ang pag-pabuti ng credit mula sa umpisa ay mahirap, pero posibleng gawin.
Ang sistema ng pagbubuwis sa U.S. ay kakaiba at maraming pasikut-sikot. Pagdating sa buwis, importante ang kaalaman mo tungkol dito. Bilang empleyado, ang dapat mong hanapin agad sa pagbabayad ng buwis, ay ang W-2 form -- dapat intindihin ng mabuti para maiwasan ang mga fines o para makuha ang pinakamalaking tax return na karapat-dapat sa iyo.
Sa karamihan ng mga lugar sa U.S., ang pagkakaroon ng driver's license ay importante para ikaw ay makalakbay. Ang pag-apply para sa driver's license ay madaling intindihan, pero may mga bagay na dapat mong maalala bilang imigrante.
Ang pagkuha ng iyong Social Securiy Number ay isa sa kauna-unahang dapat gawin pagkalipat mo sa Amerika. Ang pagtanggap ng SSN bilang imigrante ay kinakainlangan sa paghanap ng trabaho o kahit na sa pag-volunteer. Bago mo magawa ang lahat na ito, dapat mong pag-aralan ang kahalagahan ng SSN at kung paano gamitin.